Linggo, Agosto 26, 2012

Buhay Hayskul



Alarm ng alas singko, babangon ng alas sais
Ganyan ang mga eskwela kahit ‘di ninanais
Papagalitan pa ni mama para lang makapagbihis
Para makakain na at agad ay aalis.

Pagdating sa paaralan, assignment inaatupag
Kahit ‘di man aminin ngunit guro ay alam
Kopya dito, kopya doon, kopya kahit saan
Hinay hinay lang at baka makopya pati pangalan!

Sa pagdaan ng panahon, crush na ang iniisip
Hindi raw tumitingin ngunit minsan ay sumisilip
At diyan magsisimula ang konting tuksuhan
Na minsan din naman, nauuwi sa “ibigan”.

Buhay hayskul nga naman, sadyang kakaiba
Kahit nga nung 1st year pa ay may kapartner na
Pati mas bata pinapatulan, ng mga ate at kuya
“Child abuse” kung tawagin ng ating mga kapwa

Sa hayskul rin magkakaro’n ng maraming kaibigan
Na sa sobrang kakulitan, lahat nalilimutan
Ngunit kahit na ganun, sila’y palaging nariyan
Sa oras man ng kagipitan o kaya’y kasiyahan

Buhay hayskul nga naman, sadyang komplikado
Ngunit dahil dito, tayo ay nabuo
Namulat ang isip at tayo’y natuto 
Kaya salamat sa lahat, lalo na sa mga guro.

[orihinal na isinulat ni tiBs]

1 komento:

  1. Borgata Hotel Casino & Spa - MapyRO
    › borgata-hotel-casino-spa › borgata-hotel-casino-spa 정읍 출장마사지 Borgata Hotel Casino & Spa has 2 restaurants, 2 bars & 서산 출장안마 an 청주 출장안마 indoor pool. The casino's 45,000 square foot gaming floor is comprised of 밀양 출장안마 50 gaming tables, 순천 출장마사지 a

    TumugonBurahin